Mga pulis niratrat, kelot arestado

RERESPONDE lang sana ang pulisya ng bayan ng Minalabac, Camarines Sur dahil sa tawag na mayroong isang lalaking may dala ng mataas na kalibre ng baril at paikut-ikot ito sa barangay Baliuag Viejo nang paputukan sila ng suspek.

Ayon kay Sr/Insp. Rolito Orosco, hepe ng PNP Minalabac, nang rumesponde ang pulisya ay nadatnan nila ang isang Toyota Corolla at kanila itong pinara. Pilit na pinapababa ang salamin ng nasabing kotse subalit hindi ito binuksan.

Ilang minuto pa bago binuksan ng mga suspek ang salamin kung saan tumabad agad sa mga pulis ang isang rifle at pinaputukan sila.

Kasunod naman nito ang pagharurot ng kotse kung kaya humabol ang mga miyembro ng PNP Minalabac at CamSur PNP na dumiretso sa isang bahay.

Pinasok ng mga pulis ang naturang bahay at napasuko ang suspek na si Larry Laurente, 32, residente ng naturang barangay.

Nahaharap ngayon si Laurente sa patung-patong na kaso kabilang dito ang illegal possession of firearms, illegal discharge at direct assualt.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply