Mga sundalo tetestigo sa poll fraud vs GMA

ORAS na makulong si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo habang nililitis ang kinakaharap na kasong election sabotage, tiyak na marami pang sundalo at mga testigo ang lulutang upang patunayan na nagkaroon talaga ng malawakang dayaan noong 2004 at 2007 election.

Ito ang naging pahayag ni Marine Col (ret.) Ariel Querubin kasunod ng kanyang paniniwala na vindicated na sila sa mga kasong ibinintang sa kanila na naging dahilan pa ng kanilang pagkakakulong.

Kasabay nito, iminungkahi ni Querubin sa mga nag-aakusa kay Pampanga Representative Gloria Arroyo na huwag mag-apura sa kaso dahil mas mahalaga na may matibay na pundasyon sa kanilang ikinakasang kaso upang masiguro na swak na swak si CGMA at mga kasabwat nito kasama na ang ilang military officers na nakipagkutsabahan.

Naniniwala pa ang dating Marine officer na mas marami pang lulutang na mga testigo oras na makitang nakaselda si GMA at sasabihin ang kanilang mga nalalaman.

Pabor din ang medal of valor awardee na tugisin ang military officers na nakipagsabwatan sa malawakang dayaan.

Mas grabe umano ang dayaan na naganap noong 2004 kumpara sa dayaan na naganap nitong 2007 election.

Sana rin umano ay magkaroon ng mas maayos na sistema sa election upang huwag nang sumawsaw ang military sa election process.

Ang tiyak lang aniya, marami pang lulutang na testigo sa oras na makitang nakaselda na si GMA.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply