Mga taxi sa airport humihirit na rin ng fare hike

HUMIHIRIT na rin ngayon ng dagdag na flag down rate ang mga operator at tsuper ng airport taxi (yellow taxi) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Inihayag ni LTFRB board member Atty. Manuel Iway, na mula sa P70 na flag down rate sa ngayon ay hinihiling ng mga airport taxi na gawin na itong P100.

Bukod pa sa dagdag na flag down rate, hinihirit na rin ng mga airport taxi ang na dagdagan ng piso (P1) ang kada 300 metro ng biyahe mula sa kasalukuyang apat na piso (P4).

Kung sakaling maaprubahan ito, magiging limang piso (P5) na ang bawat 300 metro ng biyahe.

Pinawi naman ni Iway ang pangamba ng mga mananakay sa pagsasabi na malabo pang maaprubahan ang apela ng airport taxi dahil isasalang pa ito sa deliberasyon.

Ani Iway, sa dami ng apelang nakabinbin sa LTFRB, posibleng sa Enero na mapagpasyahan ang hirit ng mga yellow taxi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply