Mga tindahan ng paputok pinasusuyod sa BFP, PNP

INATASAN ngayon ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo ang lahat ng opsiyal ng Bureau of Fire Protection at PNP Firearms and Explosives Division na inspeksyunin ang lahat ng pagawaan at tinadahan ng paputok sa Bulacan.

Naatasan si BFP chief Samuel Perez at Chief Superintendent Napoleon Estilles, hepe ng PNP- FED na makipagtulungan at humingi ng mga kinatawan mula sa Department of Trade and Industry at Department of Health na makakatuwang nila sa isasagawang inspeksiyon.

Ani Robredo, layunin nito ay upang tiyakin na ligtas ang mga itinitindang paputok na magdaragsaan sa mga pamilihan ngayong papalapit na ang Pasko at Bagong Taon.

Nais rin ng ahensya na mabawasan ang mga aksidente dulot ng paputok.

Ang BFP ang mangangasiwa sa inspeksiyon ng mga tindahan at planta ng paputok sa bansa upang matiyak kung sumusunod ang mga ito sa nakalatag na fire safety regulations at maiwasan ang aksidente ng sunog at pagsabog.
.
Habang ang PNP-FED naman na ang tututok sa mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng paputok at dapat na mahigpit nitong ipatupad ang batas na nasa ilalim ng Republic Act 7183 o ang batas na nagre-regulate sa paggawa at pagbebenta ng paputok.

Kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ay ang atomic big triangulo, baby dynamite, super lolo, kwiton at mga katulad na tinuturing na malalakas na uri ng paputok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply