Miami Heat owner hinagupit ng NBA

NAKATANGGAP ng matinding hagupit ang may-ari ng Miami Heat matapos itong pagmultahin ng $500,000 ng National Basketball Association (NBA) dahil sa mga ipinoste nitong tweets kaugnay ng NBA lockout.

Ayon sa NBA, pinatawan ng multa si Micky Arison, owner ng Heat, dahil sa paglabag nito sa polisiya ng liga hinggil sa paglalabas ng maseselang impormasyon.

Unang nagkomento si Arison sa pagsasabing ang NBA owners at players ay “greedy pigs” o mga gahamang baboy at idinagdag pa na “you are barking at the wrong owner.”

Sinabi ni league Commissioner David Stern na pinagbubura na ni Arison ang mga naturang tweets ngunit huli na umano ang lahat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply