Midwife sa Tacurong utas sa gunman

TACURONG CITY, Sultan Kudarat- Patay noon din ang government midwife ng Bagumbayan municipal government na si Elvira Iligan, 25, nang barilin ng hindi nakilalang suspek, alas-10 ng umaga, nitong Linggo.

Ayon kay Chief Insp. Junie Buenacosa, hepe ng Bagumbayan PNP, sakay ng skylab motorcycle ang biktima nang tambangan ng hindi nakilalang lalaki sa may Sitio Brangan, Barangay Santo Nino.

Shotgun ang ginamit sa pamamaril, ayon kay Buenacosa.

Sa likod ang tama ng biktima na agad nitong ikimatay, habang ang driver ng skylab na si Felix Voltaire Tan ay kritikal ang kondisyon matapos tamaan ng ligaw na bala.

Bagama’t personal grudge ang pinakamalapit na anggulo sa pagpatay, sinabi ni PNP regional director for Central Mindanao Chief Supt. Benjarde Mantele na blanko pa rin ang PNP sa mga taong nasa likod ng krimen.

Si Iligan ang barangay midwife ng Barangay Monteverde sa bayan ng Bagumbayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply