Mikael Daez di nakakuha ng US visa kaya di nakapunta sa Vegas para sa Pacquiao-Marquez fight

MALUNGKOT si Mikael Daez nang di makakuha sa tamang oras ng kanyang US Visa para makapanood ng Manny Pacquiao-Juan Manuel Marquez fight sa Las Vegas last Sunday (Nov. 13).

Nagkaroon ng konting problema sa pagkuha niya ng visa sa US Embassy, di na siya umabot pa sa laban nina Pacquiao at Marquez.

Dahil sa hindi pag-alis ng bansa, inasikaso na lang niya ang kanyang mga trabaho bilang modelo, host at actor.

Pinaghahandaan din niya ang pagpasok niya sa madramang soap na punung-puno rin ng suspense, ang “Sundo.” Bale big break na ito para kay Mikael dahil katrianggulo siya nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

Bukod pa rito, may ilang showbiz commitments pa siyang inasikaso habang di natuloy ang pag-alis sa America.

000

SAMANTALA, sinuwerte si Favio Ide na mapanood ng Pacquiao-Marquez fight last Sunday. May US visa na kasi ang Brazilian hunk kaya madaling nakapasok ng America. Anyway, matagal nang wish ni Fabio na makapanood ng laban ng Pambansang Kamao.

Bukod pa rito, malapit na rin si Fabio kay Manny dahil ilang beses na rin siyang nakasama ni Manny sa “Manny Many Prizes” bilang panauhin, bukod pa sa nakapagge-guest na rin siya sa Show Me Da Manny.

Parang naging fan na si Fabio ng ating Pambansang Kamao at gusto niyang makita ito ng personal kung paano makipagbugbugan sa loob ng ring.

000

Venus Raj Malapit sa puso niya ang Kapamilya network

SI VENUS Raj naman ay di rin nakapanood ng Pacquiao-Marquez fight dahil three days lang ang nakakuha niyang schedule sa America. Kailangan na siya rito sa Pilipinas dahil sa kanyang previous commitments.

Sa pagtanggap ni Venus sa Gawad America bilang isa sa Most Outstanding Pinay na nakapag-contribute ng karangalan sa bansa, ilang itineraries lang ang napuntahan niya sa Amarica. Three days lang kasi siya sa bayan ni Uncle Sam.

Sabi ng aming source, maraming pinuntahang invitation si Venus na paanyaya ng Pinoy community. Talagang kinasabikan si Venus ng mga Pinoy doon na nagsimulang mapansin ang Pinay beauties sa mga beauty pageant dahil naka-4th runner-up siya sa 2010 Miss Universe. Sumunod na taon, this year, si Shamcey Supsup ay nakapag-uwi ng 3rd runner up. Ang pinakahuling Pinay ngayong taon na nagbigay ng karangalan sa ating bansa ay si Gwendolyn Ruais, ang Miss Word 1st runner up.

Pero ano itong balitang nakuha naming matimbang sa puso ni Venus ang Kapamilya Network? Kaya malamang dito siya pipirmang muli ng bagong contract.

000

CONGRATS kay Sarah Lahbati at mga kasamahan niya sa “Kokak” na sina TJ Trinidad, Ervic Vijandre at JC Tiuseco dahil super taas ng pilot episode ng show. Naka-42.6% ang household audience share ng Kokak sa Mega Manila. Ayon ito sa report ng Nielsen Overnight data na nai-text naman sa amin ng corporate office ng GMA-7. Napakalayo ng lamang ng Kokak sa pinakamalapit na kalabang programa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply