Mike Arroyo kinuwestiyon ang watch list order ng DOJ

MALIBAN sa petisyon na isinampa ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, ay naghain na rin ng hiwalay na petisyon sa Korte Suprema ang kampo ni dating unang ginoo na si Miguel “Mike” Arroyo upang kuwestyunin ang kapangyarihan ng Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng watch list order.

Sa isinampang “petition for prohibition and certiorari” ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Mike Arroyo, iginiit ng kampo na iligal ang Department Order 41 ng DOJ na nagbibigay ng kapangyarihan sa DOJ na magpalabas ng mga watch list order.

Ayon kay Topacio, walang nakasaad sa administrative code na may kapangyarihan ang kalihim ng naturang ahensya na maglabas ng nasabing kautusan.

Sinabi pa ni Topacio na hindi sila hihingi ng allow departure order (ADO) sa DOJ para lang payagang makalabas ng bansa ang kliyente dahil naniniwala silang iligal ang paglalagay ng ahensya kay G. Arroyo sa watch list order.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply