Mikey Arroyo caretaker sa distrito ni GMA

SI Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo ang posibleng maging caretaker sa distrito ni dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni House Deputy Speaker Erin Tañada na dahil sa naka-hospital arrest si GMA ay posibleng magtalaga na ang Kamara ng caretaker.

Sinabi ni Tañada na si Mikey naman ay dating kumatawan sa second district ng Pampanga kaya alam na nito ang pangangasiwa sa pangangailangan ng distrito.

Ngunit ito aniya ay naka-depende sa liderato ng Kamara kung maglalagay o hindi ng caretaker.

Paliwanag pa ni Tañada na karaniwang ginagawa ang paglalagay ng caretaker upang hindi mapabayaan ang isang distrito kung ang kinatawan sa Kamara ay nakakulong, nakaratay dahil sa karamdaman o namatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply