Mikey, Angela Arroyo ipinalilipat ang petsa ng arraignment

HINILING sa Quezon City Court ni Ang Galing Pinoy Partylist Rep. Mikey Arroyo at ng asawang Angela na ilipat ang petsa ng arraignment sa kanila kaugnay ng kasong tax evasion.

Nakatakdang basahan ng sakdal ang mag-asawa sa Nobyembre 9, sa sala ni QC Regional Trial Branch 100 Presiding Judge Marie Christine Jacob sa 9.

Sa isang omnibus motion na isinampa ngayon sa sala ni Judge Jacob, hiniling ni Arroyo sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Ruy Rondain na ipagpaliban muna ang pagbasa ng sakdal sa kanilang mag-asawa at payagan sila na makapunta sa Estados Unidos mula Nobyembre 14 hanggang Disyembre 7, 2011 para sa isang semi-official business.

Binigyang diin ni Arroyo na maaari namang maipagpaliban ang kanyang arraignment dahil naka-pending naman para magpalabas ng resolusyon hinggil sa kasong ito ang Department of Justice.

Samantala, pinaghinalaan naman ng ilang kritiko ang biglaang pagnanais na umalis ng bansa ni Rep. Mikey Arroyo kasabay ng kahilingan din ng ina na si Pampanga Rep. Gloria Arroyo na payagang makapagpagamot sa ibang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply