Mikey nagalit sa reporter na nakabangga sa misis

NAGALIT si Ang Galing Pinoy party-list Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo matapos mabangga ng isang reporter ang kanyang misis na si Angela.

Ayon sa report, palabas na mula sa Quezon City Hall of Justice ang mag-asawa matapos i-postpone ang kanilang arraignment sa kasong tax evasion dahil sa isinumite nilang motion for reconsideration sa Department of Justice (DOJ) nang habulin sila ng mga reporter upang interbyuhin.

Hindi sinasadyang nabangga ng isang reporter si Angela, dahil hindi niya ito nakilala, bagay na ikinagalit ng dating presidential son.

Ayon kay Judge Marie Christine Jacob ng Quezon City Regional Trial Court branch 100, sa January 18 na gagawin ang nasabing arraignment.

Hindi naman umalma ang prosekusyon.

Inianunsyo rin ni Jacob na bukas, Biyernes, ay dedesisyunan niya ang mosyon na isinumite ng mag-asawa na payagan silang makalabas sa bansa sa Disyembre.

Ang mag-asawang kasama sa watch list ng Department of Justice, ay nagpaalam na magbabakasyon sa United States ng 21 araw mula November 14.

Ayon kay Mikey, nakatakda siyang makipagkita sa mga miyembro ng Filipino community sa Southern California upang mag-solicit ng donasyong gamot para sa kanyang constituents.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply