MILF handang makipagpulong sa CBCP

INIHAYAG ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na handa itong makipagpulong sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) upang pag-usapan ang P5 milyon na pondong ibinigay ng admnistrasyong Aquino sa kanilang grupo.

Sinabi ni Jun Mantawil, pinuno ng MILF peace panel secretariat, nais nilang imbitahan upang ipaliwanag ang usapin kina Bishops Leonardo Medroso ng Tagbilaran, Ilagan Bishop Elenito Galido at Cotabato Auxiliary Bishop Colin Bagaforo.

Ang tatlong opisyal ng Simbahan ang ilan lamang sa kumukuwestiyon sa “dole-outs” ng pamahalaan sa rebeldeng grupo.

Giit ni Mantawil, ipinaliwanag na umano ng gobyerno ang tungkol sa nasabing pondo kung saan tiniyak din na walang anomalya sa pamimigay nito.

Gayunman, tiniyak din ng grupo na ang nasabing pondo ay buo pa at hindi pa nababawasan .

Gagamitin umano ito sa pagtatayo ng Bangsamoro Leadership and Management Institute (BLMI). Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply