MILF sumabay sa pagtugis sa dumukot sa 3 Korean miners

INIHAYAG ngayon ng liderato ng Moro Islamic Liberation Front na nagmobilisa na rin sila ng puwersa sa bahagi ng Lanao del Norte para tugisin at mailigtas ang tatlong Korean miners na dinukot ng mga hindi pa nakikilalang grupo.

Ayon kay Von Al Haq, tagapagsalita ng Moro Islamic Liberation Front, may mga ipinakikilos na rin sila upang makatulong sa militar at sa Philippine National police sa ilalim ng Ad Hoc Joint Action Group (Ahjag) upang tuntunin ang kidnappers.

Nabatid na sa ilalim ng Ahjag, maaaring makisawsaw ang MILF forces sa pagtugis sa mga kriminal basta may tamang koordinasyon sa militar.

“We are helping government troops in rescue efforts for the abducted foreigners. We are hopeful it will have a positive result,” ayon pa sa MILF Spokesman.

Kahapon ay kinumpirma ng pulisya ang pagkawala ng tatlong Korean miners na kinilalang sina Woo Shu Bong, Kim Nam Dou atisang kinilala lamang sa alyas Choi sa liblib na lugar sa Lanao del Sur.

Magugunitang inulat ni PNP Spokesman P/ChiefSupt Agrimero Cruz Jr., ang pagkawala ng tatlong banyaga makaraang hindi na makabalik sa kanilang tinutuluyang hotel sa Cagayan de Oro City matapos magsaagwa ng site inspection sa isang mining area sa Lanao.

Sa report na ibinahagi ni Cruz Mulakay Police Director Felicisimo Khu pinaghahanp ngayon ang tour guide ng mga biktima na kasa-kasama ng tatlo bago isinagawa ang abduction.

May intel report na kasalukuyan umanong itinatago ang mga biktima sa area malapit sa Lake Lanao.

Magugunitang noong Marso 2008, dinukot ng Muslim rebels ang isang South Korean businessman na si Tae Jung at Filipino companion sa Lanao del Sur at pinawalan lamang makaraang magbayad ng ransom.

Isang South Korean treasure hunter na kinilalang si Yoon Jae-keon ay dinukot sa Sarangani provinceat nagbayad din ng ransom.

Walong Korean engineers din ang dinukot habang nangangasiwa sa isang dam project sa North Cotabato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply