MILF umalma sa pagpigil ng DOJ kay GMA

HINDI naitago ngayon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang manggalaiti sa galit sa naging hakbang ng Department of Justice (DOJ) na makaalis ng bansa si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Hindi na umano makatarungan na pigilan ng Bureau of Immigration at Department of Justice (DOJ) na pigilan ang pag-alis sa bansa ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kabila ng ipinalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema sa watchlist order ng DOJ.

Ayon kay MILF Political Vice Chairman Ghadzali Jaafar, walang puso at walang konsensiya si Justice Secretary Leila de Lima makaraang pigilan nito ang dating Pangulo na  magpagamot sa abroad.

Ayon pa kay Jaafar, nilabag ni de Lima ang karapatan ng dating Pangulo na mabuhay na siyang pinaka basic sa human rights. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply