MILF vs CVO: 5 patay, 3 sugatan

NASAWI ang limang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang tatlo naman ang sugatan sa panig ng mga Civilian Volunteer Organization (CVO) makaraang magkasagupa ang dalawang grupo sa lalawigan ng Cotabato madaling araw ng Biyernes, Nobyembre 4.

Kabilang sa mga sugatan sina Brgy. Captain Hermogenes Obrigue at dalawang CVO na sina Teng Laman at kapatid nito na si Moises.

Nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magkasagupa ang mga tauhan ng CVO sa pamumuno ni Brgy. Chairman Hermogenes Obrigue at mga miyembro ng 109th Base Command ng MILF sa Brgy. New Bunawan, Tulunan, North Cotabato sa hangganan ng Columbio, Sultan Kudarat at Datu Paglas, Maguindanao.

Tumagal ng halos dalawang oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig na humupa lamang nang mamagitan ang GPH-MILF ceasefire committee at International Monitoring Team (IMT).

Nabatid pa na awayan sa lupa ang ugat sa kaguluhan sa naturang mga tri-boundaries.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply