Militanteng grupo lumusob sa Supreme Court

LUMUSOB sa tapat ng Korte Suprema para magsagawa ng kilos protesta ang militanteng grupo na Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kasabay ng isinasagawang oral arguments sa mga isyu na may kinalaman sa kinakaharap na kasong electoral sabotage ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, tuluyang masisira ang integridad ng Korte Suprema kung magpapalabas ito ng Temporary Restraining Order (TRO) para makalaya ang dating pangulo.

Nangako ang grupo na patuloy na magbabantay sa mga umano’y maniobra ng kampo ng mga Arroyo para ipawalang-bisa ang warrant of arrest laban dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply