Militar tinambangan ng mga rebelde: sundalo patay

NASAWI ang isang sundalo makaraang tambangan ng mga rebelde sa Barangay Batasan, Makilala, North Cotabato kaninang umaga, Nobyembre 11.

Ayon sa ulat ng 602 Brigade Philippine Army (PA), habang naglalakad ang grupo ni Cpl. Hassan Sarif ng Charlie Company ng 57IB kasama ang dalawang iba pa nang tambangan ng hindi pa nakilalang mga armadong grupo.

Nabatid na lumaban pa ang tatlo ngunit isa pa rin ang nasawi sa panig ng pamahalaan na kinilalang si Pfc Alex Calon.

Agad namang rumesponde ang dalawang squad ng Charlie Company upang tugisin ang mga suspek.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply