Militar vs NPA: 1 rebelde patay

ISANG rebelde ang napatay makaraang makasagupa ng government forces ang may 70 miyembro ng New People’s Army sa Davao Oriental, Lunes ng umaga, Nobyembre 28.

Nabatid na nakaengkuwentro ng 6th Scout Rangers Company ang mga miyembro ng NPA habang nagsasagawa ng combat patrol sa Brgy. Caningag, Caraga bandang alas- 8:30 ng umaga.

Base naman sa pahayag ni Colonel Leopoldo Galon, spokesperson ng military sa Eastern Mindanao Command, isa ang narekober na bangkay habang dalawa namang matataas na kalibre ng armas ang nakuha.

“Engaged troops are still scouring the vicinity of the encounter site for possible other rebel casualties,” ayon kay Galon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply