Military equipment hirit ni PNoy kay Myung-bak

HINDI na nag-aksaya ng panahon si Pangulong Benigno Aquino III na ihirit kay South Korean President Lee Myung-bak ang pangangailangan ng dagdag na military equipment ng Pilipinas.

Tiniyak ng Punong Ehekutibo na defense articles gaya ng ng military-grade helicopters, bangka at aircrafts ang maaaring makuha ng Pilipinas mula sa South Korea.

Ang defense cooperation aniya ay isa sa naging sentro ng bilateral meeting nina Pangulong Aquino at Lee sa Malakanyang.

Aniya, sang-ayon ito sa pag-upgrade at modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Binanggit din ng Pangulo na napag-usapan din sa meeting ang West Philippine Sea kung saan ipinarating ng Korea ang kanilang suporta sa mapayapang resolusyon ng territorial dispute sang-ayon sa international law.

“I expressed to President Lee the interest of the Philippines to gain some specific defense articles,” ang diing pahayag nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply