Mindanao apektado ng ITCZ

APEKTADO pa rin ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) ang Mindanao dahil sa umiiral sa La Niña phenomena.

Samantala, patuloy na makakaranas ng maaliwalas na panahon ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ngayong araw na ito bagama’t inaasahan ang pag-ulan sa hapon o gabi.

Nananatiling pinakamalamig sa Baguio City sa 15 degrees Celsius at pinaka maalinsangan naman ang panahon sa Metro Manila, Tuguegarao City, Laoag City, SBMA-Clark Zone, Legaspi City, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Cagayan De Oro City, Metro Davao at Zamboanga City sa 32 degrees Celsius.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Usec. Graciano Yumul, maaring makaranas ang mga Pinoy ng wet Christmas ngayong taon. Ito ay dahil sa umiiral na La Niña phenomenon dahil sa  Northwest monsoon na ang magiging dominant wind system sa Disyembre kaya magiging malamig o basa ang Kapaskuhan.

Tinukoy ni Yumul ang report mula sa APEC Climate Center na nagsasabing mula November 2011 hanggang January 2012 ay magkakaroon ng above normal rainfall sa Tropical Western Pacific kabilang na ang Pilipinas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply