Pagtatag sa Saudi-Philippines SZPD, iginiit

HINIMOK ni House Assistant Majority Leader at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles ang pamahalaang Aquino na ipursige ang planong pagtatag ng Saudi-Philippines Special Zone of Peace and Development upang magbukas ng mga bagong oportunidad sa agrikultura at kalakalan sa Gitnang Silangan ng mga taga-Mindanao.

Naniniwala si Nograles na tinitingala ng mga Muslim sa Mindanao ang Kingdom of Saudi Arabia bilang tagapagtaguyod ng kaunlaran at kapayapaan lalo na ito ang nangungunang Islamic nation.

Kumpiyansa pa ang kongresista na ang Saudi ang susi upang maimpluwensyahan ang tuluyang pagkamit ng kaayusan sa rehiyon.

“I really believe that if we want foreign investments to come in Mindanao, Arabs investments would definitely have the advantage because they are well regarded by our Muslim brothers,” ani Nograles.

Ipinunto ni Nograles na dahil limitado lamang ang lupaing pansakahan sa Saudi, tiyak na magiging interesado itong makipagtulungan sa Pilipinas upang palakasin ang modernong agri-business sa bansa lalo na ang produksyon ng bigas, aquamarine at hayupan.

Tinukoy ng mambabatas ang tinatayang 26,000 ektarya ng ari-arian sa Central Mindanao na puwedeng maging major agri-industrial production at processing complex.

Sinabi ni Nograles na kung papasukin ng maraming mamumuhunang Arabo ang Mindanao ay tiyak na magiging pag-unlad ng rehiyon na tulay din para makamit ang lubos na kapayapaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply