Mini-bus sumalpok sa poste: 1 patay, 4 grabe

ISA ang patay habang apat ang sugatan makaraang sumalpok ang isang mini-bus sa poste ng telepono sa Barangay Nangalisan, Laoag City.

Nabatid na nasawi ang kundoktor na si Rommel Benigno habang sugatan naman ang driver na si Marlon Domrique , mga pasaherong sina Joan Pagdilao, Felipa Kalsada at Marissa Macho.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nag-overtake sa isang sasakyan ang mini-bus habang pababa ng tulay nang mawalan ng preno kaya ibinangga na lamang ito ng driver sa poste ng telepono.

Sinasabing overloaded at mabilis ang takbo ng mini-bus.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply