Minorya umalma sa pagharang ng DOJ kay GMA

INALMAHAN ng minorya sa Kamara de Representantes ang ginawang pagharang ng Department of Justice (DOJ) kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kagabi (Nobyembre 15) upang makapagpagamot sa ibang bansa.

Ito ay matapos pigilan ng Bureau of Immigration ang mag-asawang GMA at dating First Gentleman Mike Arroyo na makasakay ng eroplano na magdadala sana patungong Hong Kong o Singapore ng walang “written order.”

Binigyang diin ni House Minority Leader Edcel Lagman, kilalang kaalyado ng mga Arroyo, na tahasang nilalabag ng DOJ ang kautusan ng Korte Suprema na ang inisyung temporary restraining order sa dalawang inihaing petisyon ng kampo ni GMA ay “effective immediately.”

Ani Lagman, nilalabag na ng DOJ ang kautusan ng SC.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na sa sandaling mag-isyu ng TRO ang Korte Suprema ay nangangahulugan lamang ito ng “immediate executor” na kahit ang motion for reconsideration na balak ihain ng Palasyo ay hindi makapipigil dito.

Dismayado ang minorya dahil tila nawawala na sa lugar ang mga kautusan ni Justice Secretary Leila de Lima maharang lamang ang dating Pangulo.

Si Lagman ay kasama ni GMA kagabi nang ito ay dumating sa NAIA.

Ngayong umaga ay nakatakdang maglabas ng pahayag ang minorya para sa lingguhang press conference nito kung saan nakatakdang maglatag ang oposisyon ng susunod nilang hakbang.

Nauna rito ay naghain si Lagman ng panukalang batas na magpapatibay ng karapatan ng isang Pilipino na makalakbay at hindi ito dapat pigilan ng watchlist order lamang kungdi ng isang hold departure order na ang korte lamang ang dapat na mag-isyu at hindi ang DOJ. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply