Sa pagbastos sa SC, Miriam muntik mag-suicide

TAHASANG sinabi ni Senador Miriam Defensor Santiago na muntik na siyang mag-suicide dahil sa hindi matanggap na binastos ng Malakanyang ang Korte Suprema at mistulang walang pakialam sa karapatang bumiyahe ng isang taong may mabigat na karamdaman.

Ani Santiago, isang malaking sampal sa Korte Suprema ang pagsuway ni Justice Secretary Leila de Lima sa temporary restraining order.

Gayundin, nagpahayag ito ng pagkadismaya sa nakitang drama sa Ninoy Aquino International Airport kagabi nang harangin ng immigration official ang pag-alis ng mag-asawang Arroyo.

Isiniwalat pa ni Santiago na may apat na blokeng nagbabanggaan sa Malakanyang hinggil sa pagpayag ng Korte Suprema na makabiyahe si Ginang Arroyo.

Gayunman, ayaw pangalanan ng senadora kung sino-sino ang mga grupong ito na nagbibigay payo kay Pangulong Aquino pero humalakhak ito nang banggitin ang bloke ni presidential adviser on political affairs Ronald Llamas na kabilang dito.

Naniniwala si Senadora Santiago na hindi nabibigyan ng magandang payo si Pangulong Aquino sa isyu ng paghingi ng permiso ni Ginang Arroyo na magpagamot sa abroad.

Iginiit naman ni Senador Joker Arroyo na dapat magbitiw na sa pwesto si de Lima.

Ani Arroyo, hindi alam ni de Lima ang batas kaya’t wala nang puwang para mapanatili pa ito sa kasalukuyang posisyon

Banggit pa ng senador na ang nangyari sa pagpigil para makalabas ng bansa ang dating Pangulo at pagsuway sa desisyon ng SC ay malinaw na “declaration of war” ng Pangulo.

“What happened last night was a declaration of war of the President,” ani Arroyo.

Kumbisido rin si Arroyo na malinaw na ang hakbang ng Malakanyang ay isang Constitutional Crisis.

Naniniwala rin ang Senador na hindi dapat nakialam ang BI sa pagpigil na makapagbiyahe para makapagpagamot sa ibang bansa ang dating Pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply