Misis na bumaril sa asawa sa SM mall, sasailalim pa sa neuro-psychiatric examination

SASAILALIM pa sa neuro-psychiatric examination ng National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City si Sheila Macapugay, ang ginang na bumaril at nakapatay sa kanyang mister at security guard sa isang mall sa Quezon City noong Setyembre.

Ani Jail Officer Glen Gangan at isa sa mga nurse ng Quezon City Female Dormitory kung saan nananatili si Macapugay, ito na ang ikatlong pagsalang ni Macapugay sa naturang eksaminasyon dahil hindi nito natapos ang mga nauang pagsusuri.

Dagdag pa ni Gangan, si Macapugay ay isa sa mahigit na 10 inmate sa QC female dorm ng city jail na kanilang inoobserbahan at hinihinalang may diperensya sa pag-iisip.

Tumanggi naman ang direktor ng NCMH na si Dr. Benny Vicente na idetalye ang resulta ng mga naunang pagsusuri ni Macapugay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply