Misis sinulot ng kainuman ni mister

TILA parang sinulot ng kainuman ng isang mister ang kanyang misis matapos itong mahuli ang dalawa na magkasama sa loob ng comfort room (CR) sa Urban Poor, Barangay Abella sa lungsod ng Naga, Camarines Sur.

Ayon sa hindi pa pinangangalanang mister, habang nag-iinuman sila napansin niyang ang kahina-hinalang ikinikilos ng kanyang misis kung kaya’t sinundad niya ito nang pumunta ng CR.

Laking gulat umano niya nang makita niyang kasama ng kanyang misis ang mismong kainuman niyang lalaki sa loob ng CR.

Pinagsasampal ni mister si misis dahilan para ireklamo ito ng huli. Bagsak sa kulungan si mister at sinabi nitong handa siyang makipagbalikan sa kanyang misis alang-alang sa kanilang mga anak.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply