Misis utas sa tamang-hinala na mister

PATAY ang isang ginang matapos pagsasaksakin ng kanyang mister nang pagbintangang nanlalaki Camarines Sur.

Sa report, hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Cita Calleja, 42, ng Barangay Taban, Libmanan, Camarines Sur.

Nahaharap naman sa kasong parricide ang mister nitong si Jerry Calleja, 46, ng nasabi ring barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagtalo ang mag asawa dahil sa pagseselos ng mister sa kanyang misis na pinagbibintangan niyang may ibang kinalolokohang lalaki.

Naganap ang trahedya kasunod ng mainit na komprontasyon ng mag-asawa kung saan inusisa ng mister ang biktima sa umano’y kinakatagpo nitong ibang lalaki.

Kahit anong paliwanag ay hindi mapaniwala ng biktima ang kanyang asawa hanggang sa magdilim ang isip ng suspek at pinagsasaksak ang ginang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply