Miss Magnolia Girl Dina Bonnevie pinagnasaan raw noon ni Carlos Agassi

SA GANDA ng katawan noon ni Dina Bonnevie, walang lalaking hindi mabibighani sa kanyang alindog. At totoo nga! dahil rebelasyon pa mismo ni Dina during her younger days talagang inasam siyang pik-apin nang hindi pa nag-aartista noong Kapamilya actor na si Carlos Agassi. Napagkamalan raw yata nitong gimmick girl siya at hindi nito alam na artista siya.

Kasama pa raw ni Ms. D ang manager na si Kuya Boy Abunda nang aksidenteng magkita sila ni Carlos sa isang bar. Para ma-impress raw siya nito ay sinayaw-sayawan pa raw siya ng actor pero hindi ito nagwagi sa kanyang hangad. “He wanted to take me out pero umalis na ako at iniwan ko siya kay Boy,” maikling kuwento pa ni Dina na pretty pa rin bagama’t medyo mabilog na now. May joke pa nga akong narinig na walang-wala na raw sa katawan ngayon ng actress ang dating inirampa nito noon sa Miss Magnolia kung saan siya ang kinoronahan ng nasabing titulo.

At least mayaman naman siya, no? Hindi katulad ng mga kasabayan niya na payat nga pero wala namang datung at mga gurangis na.

True gyud!

***

Duncan Ramos’s ‘Unleashing The Night’ concert may repeat sa Metro Bar

PAGKATAPOS ng kanyang very successful concert titled Unleashing The Night sa Off The Grill, Kyusi last Oct. 18, magkakaroon ng repeat si Duncan Ramos this coming December 3 na this time ay sa bagong venue naman na Metro Bar na located sa West Avenue Q.C mapapanood ang sikat na member ng ASAP Sessionistas at malalaking artists ang kanyang makakasama sa repeat concert niyang ito na kinabibilangan ng Soul Siren Nina, Prima Diva Billy, General Benjie Bellarmino and Luke Mejares.

Busy rin si Duncan sa ilang projects na binibigay ng kanyang talent agency na Backroom Incorporated na pinamamahalaan ngayon nila Ma’am Almed, Ms. Mary Ann, Bettina, Ms. Judy etc. By the way, Duncan won the Best Male RNB Pop Artist of The Year at the 2011 Urban Music Awards. Para sa nais bumili ng tickets sa kanyang concert, tawag na sa Backroom Office sa 435-1098.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply