Miss World runner up Gwendolyn Ruais pinarangalan sa Kamara

PINARANGALAN ng Kamara de Represenatantes kagabi (Lunes, Nobyembre 21) si Miss Philippines Gwendolyn Ruais dahil sa pagkapanalo nito bilang first runner-up sa katatapos na Miss World 2011 na ginanap noong Nobyembre 6 sa Earls Court, London.

Si Ruais, kasama ang kanyang mga magulang at kapatid at maging ang Miss World Philippines franchise holder at national director Cory Quirino, ang tumanggap ng kopya ng House Resolution 1892 mula kay Speaker Feliciano Belmonte, Jr.. sa  podium.

Ang nasabing resolusyon na pinangunahan ni Belmonte at ang pinagsamang resolusyon na isinulong nina Rep. Rodel Batocabe (Party-list, AKO BICOL), HR 1866 ni  Rep. Lani Mercado-Revilla (2nd District, Cavite) at HR 1890 ni Rep. Edwin Olivarez (1st District, Paranaque City). Iba pang panukala ay ang HR 1906 na isinulong naman ni Rep. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City)

Bago tinanggap ni Ruais ang nasabing parangal ay nag-courtesy call muna ito kay Belmonte sa kanyang opisina at inihayag ang kanyang pasasalamat sa mga miyembro ng Kamara sa kanilang imbitasyon at pagkilala sa kaniyang accomplishment.

“I am so thankful and grateful for the great support of every one, including our lawmakers. Our Congress can always support the various charities that we support like the various foundations and the PGH Hospital,” anito.

Sinabi ni Ruais na kanyang inaasam na dito sa bansa gaganapin ang Miss World finals sa taong 2013 at kinayang hiniling ang  suporta ng gobyerno para dito dahil sa idudulot nitong kasaganaan sa industriya ng turismo

“The Miss World is an international event, and we hope for the support of the whole government in our bid. Holding the event in Manila will be good for our country, it will boost our tourism industry,” dagdag pa ng beauty queen.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply