‘Missing link’ sa Ramgen slay susuko na

NAGPARAMDAM na sa awtoridad ang sinasabing “missing link” sa pagpaslang kay Ramgen Revilla-Bautista makaraang magpadala ng surrender feelers sa Parañaque City Police ang isa pang suspek na si Ryan Pastera, alyas “Bryan”.

Ayon kay Parañaque Police Intelligence chief Chief Insp. Ferjen Torred, ipinabatid na sa kanila ng isa rin nilang kakilala ang mensahe ni Pastera bagama’t wala pang tiyak na oras at araw kung kailan siya magdedesisyon na sumuko sa pulisya.

Maging ang mga kaanak ni Pastera ay nagpahiwatig na rin na handang sumuko sa pulisya si Pastera upang makapagbigay ng paliwanag at itanggi ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa pagpatay kay Ramgen.

Hindi rin nagtatago sa pulisya si Pastera at dalawang beses sa isang linggo ay umuuwi at natutulog pa siya sa kanilang bahay, taliwas sa mga napaulat na nagsimula na siyang magtago nang pumutok ang kanyang pangalan na sangkot sa krimen.

Patuloy pa rin si Pastera sa kanyang on the job training sa isang hotel at nag-aaral pa ng kursong Hotel and Restaurant Management sa isang kolehiyo sa Las Piñas city.

Gayunman, inamin ng kaanak ni Pastera na kakilala nito ang mister na Hapones ni Gail Bautista na si Hiro na idinadawit naman ng isa pang suspek na si Glaiza Visda sa kanyang isinumiteng affidavit sa pulisya.

Nilinaw naman ng Task Force Ramgen na hindi nila maaaring arestuhin si Pastera hangga’t wala pang inilalabas na warrant of arrest.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply