Mister binugbog ni misis dahil sa saging

PUMUTOK ang ulo ng mister nang bugbugin ito ng kanyang misis dahil hindi nagustuhan ang saging na iniuwi sa kanilang bahay kagabi (Nobyembre 17) sa Kalibo, Aklan.

Dalawang suntok at dalawang palo ng kahoy sa ulo ang sinapit ni Marcelo Zereso, 33, sa kamay ng kanyang misis na kinilalang si Marilyn Isuga Zereso, 34.

Nagalit umano si misis dahil sa mabahong amoy ng saging na binili ni mister at dito nagsimula ang kanilang mainitang pagtatalo.

Matapos itapon ang nasabing saging, bigla na lang umanong sinuntok at pinalo ng kahoy ni misis habang naghuhugas ng pinggan si mister na katatapos lang umano i-garahe ang kanyang  pinapasadang tricycle.

Itinakbo naman kaagad sa hospital si mister dahil pumutok ang ulo nito at ipina-blotter sa himpilan ng pulisya ang pangyayari. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply