Mister kulong sa panghahalay sa ‘kulang-kulang’

HIMAS-REHAS ngayon ang isang mister matapos na ireklamo ng panghahalay ng dalagang may diperensiya sa pag-iisip sa Caloocan City kagabi (Nobyembre 27).

Nakilala ang suspek na si Ferdinand Serrano, 46 at residente ng Bisig ng Kabataan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi, nakatayo malapit sa kanilang bahay sa Masagana St., ng lungsod ang 37-anyos na biktimang hindi pinangalanan nang lapitan ng suspek at yayain na pumunta sa motel.

Sumama naman ang biktima na hindi naiintindihan kung ano ang motel at doon hinalay ng suspek.

Nang makaraos ay inuwi na ng suspek ang biktima.

Subalit nang tanungin ng mga magulang ang dalaga ay nagawang maikuwento nito ang ginawa ni Serrano na naging dahilan upang ipadakip ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply