Mister nagbigti sa koral ng baboy sa Aklan

DAHIL sa parang baboy sa hirap na dinaranas, kaya nagawang magbigti ng isang ama ng tahanan sa kulungan ng baboy sa Capiz.

Sa report ng Jamindan PNP, kinilala ang biktima na si Telmo Sabico, 37, nagpatiwakal sa kulungan ng baboy sa Jaena Norte, Jamindan, nabanggit na lalawigan.

Nabatid na nadiskubre ng panganay na anak ang bangkay ng kanyang ama na nakabitin sa hamba ng kulungan ng baboy, gamit ang isang lumang lambat sa pagbibigti.

Inihayag ni Insp. Lauro dela Torre, hepe ng Jamindan police station, hinihinala ng pamilya ng biktima na kahirapan ang nagtulak sa mister para mag-suicide.

Hindi naman inaasahan ni Mrs. Maria Girlie Sabico na magpapatiwakal ang mister na nagpaalam pa bago matulog na maninigarilyo lamang sa labas matapos makauwi mula sa lamay.

Nabatid na madalas na nag-aaway ang mag-asawa dahil sa dinaranas na hirap upang buhayin ang limang anak dahil hindi sapat ang kita nito bilang karpintero, at ng misis na nagtatrabaho bilang kasambahay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply