MMDA maghihigpit sa PUV drivers dress code

MULING binabalaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat na drayber ng mga pampublikong sasakyan tulad ng bus, fx, taxi, at jeep na kailangang sumunod sila sa atas ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa pagsuot ng tamang dress code habang pumapasada.

Ang paghihigpit ay bunsod ng mga reklamong natatanggap ng MMDA tungkol sa mga drayber na maruruming tingnan at minsan ay may nangangalingasaw pa.

Sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino, “Mayroong mga drayber at konduktor na pumapasadang nakasuot ng tsinelas, undershirt, at short pants, samantalang may dress code na ipinatutupad ang LTFRB na dapat nilang sundin.”

Pagtutuunan ng MMDA ang pagpapatupad ng mga hakbanging pangkaligtasan sa kalsada sa pamamagitan ng pagdidisiplina sa mga motorista katulad ng tamang dress code na isang kagandahang asal sa kanilang propesyon, 60kph na speed limit at pagtatalaga ng motoracycle lane.

“Sa ngayon, ang kanilang tamang pananamit ay polo shirt o t-shirt na may kuwelyo at dapat sila ay nakasuot ng sapatos. Pag-iisipan namin ang bagong dress code para sa kanila para na rin sa kapakanan ng mga sumasakay.”

Noong taong 2006 sinimulan ng dating MMDA chairman Bayani Fernando ang good grooming sa mga drayber at konduktor ng mga pampublikong sasakyan katulad ng taxi, jeep, fx, at bus upang maging kaayaaya naman sa mga pasahero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply