MNLF vs MILF: lider patay, 3 sugatan

NASAWI ang dating lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) makaraang makipagbakbakan sa mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Kinilala ang biktimang si Ustad Me-Tin Guyapal habang tatlong iba pa ang sugatan.

Ayon sa pulisya, away-pamilya ang ugat ng bakbakan.

Nabatid pa na kinampihan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) si Guyapal laban sa grupo ng MILF na pinamumunuan ni Kumander Fahad Unsi ng 118th base command.

Dahil sa naturang bakbakan, lumikas ang ilang residente ng Barangay Elian.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply