Mobile sinalpok ng Hyundai: 3 parak sugatan

NAGTAMO ng mga sugat sa katawan ang tatlong pulis makaraang banggain ng kotse ang kanilang mobile sa may Bonifacio Shrine sa Maynila kagabi, Nobyembre 29.

Nabatid na sa tindi ng pagkakasalpok, nayupi ang tagiliran at nasira ang bumper ng mobile habang nawasak naman ang harapan ng Hyundai Elantra na siyang bumangga rito.

Umamin naman ang nagmamaneho ng Hyundai na walang tinamong anumang sugat na dilaw na ang traffic light ngunit pinilit pa rin nilang itawid ang sasakyan.

Diretso sa Manila Traffic Bureau ang mga sangkot sa aksidente para imbestigahan at sampahan ng kaso.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply