More than 1 million ang madedekwat sana kina Alfred Vargas!

IF QUEZON City Councilor Alfred Vargas had his way, hindi na niya ipupursige ang kaso laban sa 56-anyos niyang kasambahay involved in a foiled theft ng kanyang vault na tinangka nitong ipuslit mula sa kanyang tahanan.

Clarita Florida was immediately apprehended by the responding security personnel sa mismong subdivision na tinitirhan ni Alfred, sakay ng papalabas na sanang taxi with the vault encased in a box. Nagkataong umaga pa lang ng araw na ‘yon was a usually busy day for the alderman, who then proceeded to his class at the UP.

Alerted by a hysterical call by another househelp, agad humingi ng saklolo si Alfred sa guwardiya ng village kasabay ng pagdating ng mga pulis who brought the elderly suspect to the Batasan Hills precinct. Nanlulumo si Alfred sa insidente, lalo’t sangkot ang taong pinagkakatiwalaan pa mandin niya.

Pero gustuhin man daw niyang mapawalang-sala si Clarita, na nagawa lang ang krimen sa tindi ng pangangailangan, Alfred heeded the call of the police. Sa pag-aanalisa kasi ng mga awtoridad, sa bigat ng vault na ‘yon ay imposibleng ang isang babaeng singkuwenta’y sais anyos ang edad could have single-handedly hauled it inside a taxi.

Bukod dito, ani Alfred, the safe was securely attached to a custom-made cabinet na mahirap tungkabin unless two or more people would vigorously help pull it off the fixture. Nanaig man ang makataong puso ng konsehal, the police advised him to pursue the case (qualified theft) para matukoy ang mga umano’y kasabwat ng suspek sa pagsasagawa ng krimen.

Curious, we asked Lolit Solis, Alfred’s manager, what the vault could have contained. In Startalk TX’s interview with Alfred tungkol sa church wedding nila ni Yasmien hopefully in August next year, ipinahiwatig nito na ang bulk of expenses na inaasahan na nilang magagastos sa kanilang kasal ay magmumula sa mahiwagang vault na ‘yon.

Ayon kay ‘Nay Lolit, naglalaman daw ang safe na ‘yon ng puro mga alahas ng misis ni Alfred. May P300,000 cash din daw ang nasa loob nito. For sure, Yasmien’s assorted jewelry would be more than the cash.

Pero ipagpalagay na nating worth a million ang halaga ng mga alahas na ‘yon plus the cash inside the vault, it still would not suffice for a grand church wedding deserving of an actor-politician (who comes from a well-to-do family) and his bride (with a permanent residence in Milan, Italy).

When a euro and a peso of such huge volume do mix like sugar and spice, expect all things nice…and truly expensive!

XXXX

AAKALAIN mong preem showing na ‘yon ng pelikulang “Won’t Last A Day Without You” ng Star Cinema, but a big no. Presscon pa lang ang idinaos sa Dolphy Theatre nitong Sabado para sa ikalawang screen partnership nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

In full force ang mga screaming fans at bloggers who mixed with the press, and judging from their ecstatic reaction, no doubt, Star Cinema has another box office up its sleeve when the movie opens on November 30.

At the event, maganda ang paliwanag ng batam-batang director nitong si Raz de la Torre tungkol sa malaking kaibahan ng WLADWY from the first Sarah-Gerald tandem via “Catch Me I’m In Love.” Veering away from the romantic standards of many a movie of this genre, Direk Raz presents other options in the decision-making process pag-umiibig ang isang tao.

Risky as that option may be, malay naman daw natin kung ito’y mag-work? ‘Ika nga, a person in love has a choice to explore all possibilities.

Sa rami ng mga ganitong “kilig” movies ng Star Cinema, one very outstanding trait ng mga ito is the distinctness, not the you’ve-seen-one-you’ve-seen-‘em-all kind of films na iniba lang ang mga bida o mga titulo, but the plot never changes.

Surely, all ROADS lead to this movie. O, baka may mga mag-react na naman diyan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply