Moro-moro lamang?

MAIHAHALINTULAD sa isang tagpo sa pelikula ang nabigong pag-alis ng bansa ng naging Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ng kanyang asawa, ang naging Unang Ginoo, Atty.
Mike Arroyo, kagabi.

Kompleto ng props, ginamit na tagpuan ng drama ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  na kung saan isang ambulansiya na nakawangwang ang nagpreno sa tapat ng departure area ng airport. Isang babae na naka-facemask at neck brace ang bumaba at mabilis na iniupo ng mga alalay niya sa isang wheelchair sa gitna ng balyahan at gitgitan ng mga paparazzi at reporter.

Walang tigil ang kislap ng napakaraming kamera habang maririnig sa background ang pag-re-report ng mga brodkaster ng detalyadong paglalarawan sa nangyayari.

Katulad ng isang movie script, hindi pinahintulutan ng mga immigration officer ang dating First Couple na lumulan ng eroplano ng Dragon Air patungong Hong Kong sa utos ni Kalihim Leila de Lima, ng Kagawaran ng Katarungan, base sa instruksiyon ng Pangulo ng Pilipinas.

Dahil dito, susukot-sukot na na nilisan ng mag-asawa ang airport upang pansamantalang tumigil sa ‘di kalayuang St. Luke Hospital na dala ang bantang ide-demanda si De Lima ng contempt of court (paglapastangan sa korte) sa Kataas-taasang Hukuman.

“Ang lahat ng ito ay isang malaking palabas o moro-moro lamang. Gusto nila na kaawaan sila ng bayan,” wika naman ni Atty. Edwin Lacierda, ang tagapagsalita ng Pangulo.

Nauna rito, sa botohang 8-5, pinahintulutan ng Korte Suprema ang naging Pangulo na ngayon ay deputado ng Pampanga sa Kongreso at ang kanyang asawa, Atty. Juan Miguel “Mike” Arroyo, na umalis ng bansa upang magpagamot diumano sa kanyang gulugod sa
batok.

Ginamit ng Korte Suprema ang probisyon ng Konstitusyon na ipinalalagay na walang pagkakasala ang sinoman hangga’t hindi napatutunayan ang mga paratang laban sa kanya sa pag-aalis ng kanilang mga pa-ngalan sa listahan ng mga binabantayan ng Kawanihan ng Imigrasyon.

Samantala, pinabulaan ni Pangulong Benigno Aquino III na pinaplano niyang hirangin si Senator Panfilo Lacson bilang kapalit ni Secretary Jesse Rob-redo  sa Department of Interior and Local Government.

“No such plans as of this time. I Need him (Lacson) to be at the Senate,” the President said.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply