Motel na ginagawang sex center ng lovers

BINATIKOS na naman ng Apostolic Catholic Church sa Edsa, Quezon City ang pasaway na motel na kung saan sa tapat pa mismo ng nasabing simbahan nakatayo ang motel na sentro ng ‘talikan’ ng magsing-irog.

Isang napakalaking insulto para sa Apostolic Church ang ginawang pagtatayo ng Nice Hotel sa tapat nito sa Brgy. Veterans, QC dahil ipinakikita nito na hindi na ginagalang ng may-ari ng motel ang kasagraduhan ng simbahang KATOLIKO.

Ayon kay Patriarch John Florentino Turuel (Supreme head), ang itinayong Nice Hotel sa tapat ng kanilang simbahan ay malinaw na isang motel dahil sa motel na ito ginagawa ang pagtatalik ng isang magsing-irog. Ang motel ding ito ang ginagamit ng magkasintahan, magkabit at iba pa na parausan ng kanilang mga makamundong pagnanasa.
Ang masakit pa nito ay napaliligiran din ng dalawang eskuwelahan ang motel na malinaw na paglabag din sa moralidad dahil sa lantaran na nakikita ng mga estudyante ang ginagawang labas-pasok ng mga magpapartner na kostumer sa nasabing motel.

Mantakin ninyo, noong time na itatayo pa lang daw  ang motel, ang paalam ng Nice Hotel sa pamunuan ng simbahan ay isang commercial area na paupahan. Pero nang matapos na ito, isa palang  tagpuan at kangkangan ng mga makamundo.

Sinabi pa ng leader ng simbahan na hindi lamang simbahan ang niloko ng motel na ito kundi maging ang Quezon City government at mga eskuwelahan na nakapaligid dito.

Kaya hayun puro kilos protesta ang gagawin ng nasabing simbahan.

SUGALAN SA MPD PS1 TALAMAK

Namumutiktik ang mga iligal na pasugalan na sakop ng MPD PS1 ni Supt. Ricardo Tumalas, este,  Tumalad. Inutil si Tumalad sa pagsugpo pero sa tong-collection ay bihasa ang mga ‘aso’’ nito. ‘Di ba, Duran?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply