2 motorsiklo nagsalpukan: 1 patay, 2 sugatan

PATAY ang isang babaeng drayber ng motorsiklo matapos itong makabangga ang kasalubong na isa pang motorsiklo sa national highway ng bayan ng Libertad sa lalawigan ng Misamis Oriental.

Ang namatay na biktima ay kinilalang si Rochelle Wabe habang sugatan naman ang mga sakay ng nakabanggaang motor na sina Joven Wave at Ricky Baguio, pawang mga residente ng bayan ng Gitagum sa nasabing lalawigan.

Napag-alaman na mabilis ang takbo ng motorsiklo ni Wabe at hindi na nito nakontrol na sumalpok sa kasalubong na motor.

Dinala kaagad ang tatlo sa Initao District Hospital subalit binawian ng buhay si Rochelle dahil sa malubhang mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply