Motorbanca sa Pagoda fluvial parade lumubog

MAKARAANG tumaob ang isang motorbanca na kasali sa “Pagoda Fluvial Parade,” nagawa namang mailigtas ang mga sakay nito ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng lawa ng Rizal kaninang umaga.

Ito ang napag-alaman sa ulat ni PCG Spokesperson Lcdr. Algier Ricafrente, matapos tumaob ang M/Bca Dewein John, may sakay na walong deboto pabalik sa Quisao Wharf.

Nabatid sa report ng PCG,  dakong 10:30 ng umaga, nang maganap ang insidente sa nasabing lawa na sakop ng Pililia, Rizal.

Nagbunsod sa pagkakataob ng banca ang pagbangga nito  isa pang motorbanca na kasama rin sa parada.

Mabilis naman ang ginawang rescue operation ng PCG kaya nasagip ang mga biktima na kinilalang sina Jun dela Cruz, Lloyd dela Cruz, James dela Cruz, Dhuen Jhon Pendon, Jeremy Aposaga, Jeramil Aposaga, Andrea Sunga at Jerome Aposaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply