Motorbanca tumaob: 100 pasahero nasagip ng PCG

UMABOT sa 100 pasahero ang naiulat na nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard

(PCG), makaraang tumaob ang motorbanca na kanilang sinasakyan kaninang umaga sa Hilutungan Island sa Cordova Cebu.

Ito ang nakarating na ulat kay PCG Spokesperson Lt. Commander Algier Ricafrente, mula kay PCG-7  Station Commander Rolando Lizor Punzalan Jr., dakong 8:00 ng umaga nang maganap ang insidente habang patungo sa Cebu City ang MV  RD Express galing sa Kalituban Island, Talibon Bohol.

Bunsod nito, agad namang rumesponde ang mga tauhan ng PCG.

Nabatid pa kay Ricafrente, dadaong dapat sa Pasil Fish Port Cebu ang motorbanca, nang minalas na tumaob.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.

Gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PCG upang mabatid ang dahilan ng pagtaob ng motorbanca.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply