PCA manager itinumba ng motorcycle in tandem

TUMIRADA na naman ang motorcycle in tandem sa lalawigan ng Quezon ngayong umaga, Nobyembre 8, at itinumba ang isang manager ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Kinilala ang biktima na si Eunicita Sapuanes, manager ng PCA Batangas.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay si Sapuanes ng kanyang Mitsubishi pick-up truck nang barilin ito ng dalawang suspek na lulan ng isang motorsiklo sa Brgy. Isabang, Tayabas, Quezon bandang alas 8:00 ng umaga ng Martes.

Dahil dito, naglabas ng direktiba si Quezon Province PNP Director S/Supt. Heherson Velasquez na maglagay ng mga checkpoints sa buong probinsiya para sa agarang pagdakip sa mga salarin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply