Motorsiklo inararo ng bus: driver patay

HINDI na umabot pa ng buhay sa Bicol Medical Center ang driver ng isang motorsiklo makaraang araruhin ng isang pampasaherong bus sa Maharlika highway, Concepcion Grande, Naga kaninang madaling araw, Nobyembre 12.

Kinilala ang biktima na si Edgar Medina, 35, ng Zone 5 Concepcion Grande, naturang lungsod

Ayon sa driver ng Elavil Tours na si Reynante Zoilo, 43, ng San Vicente Norte, Iriga City, binabaybay nila ang daan patungong Masbate galing Cubao nang biglang sumulpot ang gumegewang na motorsiklong minamaneho ni Medina.

Huli na u nang makapagpreno siya dahil mabilis na sumalpok ang sasakyan ng biktima sa minamaneho niyang bus.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya si Zoilo habang patuloy naman ang ginagawa pang imbestigasyon sa naturang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply