Motorsiklo sumalpok: sakay na buntis patawirin

MINALAS ang isang 7-buwang buntis nang banggain ang kanyang sinasakyang motorsiklo at tuluyang mahulog ito sa kalsada sa lungsod ng Legaspi sa lalawigan ng Albay.

Ang biktimang buntis ay kinilalang si Janet Broso, 26, residente ng Barangay Gogon, Legaspi City.

Base sa inisyal na impormasyon ng pulisya, angkas umano si Broso sa motorsiklong minamaneho ni Michael Llamas, 22, nang banggain ito ng isang sasakyan na minamaneho ni Marcial Solance, ng Malilipot, Albay.

Kasalukuyang nasa Intensive Care Unit ngayon ang biktima habang hawak naman ng pulisya si Solance kung saan patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply