MPD binatikos ang marahas na protesta vs Clinton

BINATIKOS ngayon ng pamunuan ng Manilla Police Dstrict ang marahas na pagkilos ng may 50 miyembro ng League of Filipino Students at Akbayan matapos na harangin at harasin nila ang convoy ni US of State Secretary Hillary Clinton kahapon (Nobyembre 16) sa San Marcelino St. sa may Ayala Bridge sa Ermita, Maynila.

Ayon kay MPD Spokesman Chief Insp. Erwin Margarejo, bagamat naiintidihan nila ang ipinaglalaban ng mga raliyista ay dapat din aniyang naging mahinahon ang mga ito lalo pa’t isang bisita mula sa ibang bansa ang kanilang hinaras.

Sinabi pa ni Margarejo na posibleng nagkulang sa seguridad at tauhan ngunit dapat aniyang isinaalang-alang din ng mga nagprotesta ang magandang imahe ng Pilipinas.

Una rito, kahapon, hinarang ng mga raliyista ang convoy ni Clinton sa nasabing lugar matapos ang kanyang luncheon meeting kay Pangulong Benigno Aquino III sa Malakanyang.

Pinagababato ng pintura at pinagtatadyakan ng mga nagprotesta ang mga sasakyan ng convoy ni Clinton kung saan nayupi ang magkabilang pintuan ng sasakyan.

Nakipagtulakan naman ang mga awtoridad at tauhan ng Presidential Security Group upang maitaboy ang mga nagproprotesta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply