Mug shot kay GMA ‘di ipipilit ngayong araw

DUMATING na sa St. Luke’s Medical Center ang grupo ng mga pulis mula sa Southern Police District kaugnay sa nakatakdang finger printing at mug shot o tinatawag na booking kay dating Pangulong Gloria Arroyo.

Sinabi ni SPD acting director Sr. Supt. James Bocayo na hindi pa nila masiguro kung matutuloy ang booking sa dating Pangulo dahil kailangan pa nilang matiyak kung komportable na ang pakiramdam nito.

Matatandaang kagabi ay isinilbi na ang warrant of arrest laban sa dating Pangulo kaugnay sa kanyang electoral sabotage case pero hindi isinagawa ang booking dahil sa pagrespeto sa masamang pakiramdam nito.

Kahapon (Nobyembre 18) ay nakatakda sanang umalis ang dating Pangulo kasama ng asawang si Atty. Mike Arroyo para magpagamot sa Singapore pero dahil sa hold departure order mula sa Pasay RTC kung saan nakasampa ang electoral sabotage ay kinailangang muling kanselahin ang kanilang biyahe. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply