Mug shot kay GMA tapos na

NATAPOS na ngayong hapon ang isinagawang mug shot at finger printing kay Rep. Gloria Macapagal Arroyo na naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Sinimulan ang mug shot kay Ginang Arroyo dakong alas-3:45 kanina at natapos makaraan ang 30 minuto na isinagawa ng tauhang Soutern Police District at ng mga tauhan mula sa Kampo Krame.

Humiling ang kampo ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Southern Police District (SPD) at sa media na huwag nang ilabas ang mug shots ni Ginang Arroyo dahil sa maselang kondisyon nito.

Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni dating First Gentleman Mike Arroyo, na irespeto pa rin si Ginang Arroyo bilang dating Pangulo ng bansa.

Para sa kanila, kabawasan sa dignidad ng dating Pangulo kung ipalalabas pa ang mugshots ni Ginang Arroyo sa telebisyon at mga pahayagan.

“Let’s give the former President the dignity due her as former head of state,” sabi ni Topacio.

Hiniling ni Topacio, na sana raw ay igalang ang karapatang-pantao ng dating Pangulo. Gayunman, tanggap naman daw umano ng kanilang kampo na public document ang mugshot. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply