Mukhang matrona na ang dati-rati’y gandarang starlet

WHAT happened to this once svelte and gorgeous starlet who used to be the fantasy of most men who admired her dumb Dora kind of personality?

In so short a time, naging matrona na siya at lalo itong na-emphasize nang ang makasama niya sa isang reality show ay isang plain-looking but becomingly slim starlet.

Hahahahahahahaha!

Ang ending, parang nanay na tuloy siya ng nameless starlet at mas naging katakam-takam at sariwang-sariwa ito.

Hakhakhak!

Ano ba naman kasi ang nangyari sa starlet na ‘to at mukhang napabayaan na sa kusina at nag-sag talagang parang matrona in a wink of an eye gayung she used to be svelte and youngish?

Sa totoo, nakahahabag siyang tingnan sa islang ‘yun lalo na’t naka-shorts siya o naka-revealing outfits kaya.

Naku, ning, masyado ka yatang namunini sa mga paparu mo kaya laylayic na ang beauty mo at naging matronly in so short a time.

Nakatatawa talagang tingnang nilampaso ka ng 50 points ng di naman kagandahang starlet na katropa mo na kung tutuusi’y di hamak na mas maganda ka at finely chiseled ang features.

Siya’y balingkinitan talaga ang katawan at super flat ang tummy whereas you’re fast wasting away into fats, hence making her a lot older than her biological age.

Hahahahahahaha!

Mahirap din pala kapag marami kang pera at halos nahihiga na sa salapi. Hahahahaha!

Tumatanda ka before your time. Hahahahahahaha!

‘Yun pa naman ang natatanging puhunan niya. Hahahahahahaha!

***

Maraming gustong mapuntahan ang  hang-out ng dati-rati’y sosyal at esekolang starlet

CURIOUS yellow ang mga readers natin nang ating i-feature a day or two ago ang nakapanlulumong kapalaran ng isang female starlet who grew up being pampered by her parents and who is now leading almost the life of a pauper.

Sa totoo, nakapanlulumong pakinggan ang narrative ng isa naming kaibigan who would see her most of the time with her two sons in that God forsaken place where she would eke out a living by way of asking for some handouts from strangers who didn’t have an idea that the aging woman they were giving some alms or a little donation to was the beautiful starlet who grew up pampered and not wanting of anything.

Minsan, truth is stranger than fiction. Sino ba ang mag-aakalang ang sosyal at English speaking na starlet na ‘yun ay mistulang taong grasa na sa ngayon?

How so very sad, if not out-and-out tragic.

***

Thanksgiving sa press ni Coco super bongga

HABANG nagsasalita si Coco Martin sa press na dumalo sa kanyang postbirthday celebration and thanksgiving to the press, you would never for a second doubt that he was speaking from the heart and was not in any way exaggerating the way Ferminata had ignominiously pictured in her diabolically written column that reeked with plasticity and was income-generating at the most.

For some reasons, the aging Ferminata loves to hit Coco in her columns by way of some purely concocted blind items that picture him in a most denigrating light.

Sa isang sinulat ng AC/DC na nganga queen (nganga queen daw, o! Hahahahahaha!), pinalabas nitong warfreak daw ang ABS-CBN actor at in one drunken moment, hinamon daw nito ng suntukan ang isang waiter sa isang bar na kanyang pinuntahan.

Yosi-kadiri talaga ang mukhang perang lomodic lola na ‘to who loves to picture the hardworking actor as someone heartless and cruel.

Anyway, hindi naman siya nagtatagumpay dahil obvious namang puro paninira ang mga pinagsususulat niya sa kanyang cheaply-written Tagalistic columns.

Hakhakhak! How scheming and delusory. Hahahahahaha!

Anyway, nakatutuwang ang isang indie actor na tulad ni Coco ay big-time na sa ngayon and is considered one of the promising actors in the business along the lofty mold of a Christopher de Leon or most probably an Eddie Garcia.

Next year, he is slated to star in another primetime teleserye entitled “Walang Hanggan” that will pair him off with the promising Julia Montes.

Their supporting cast is perfectly impressive and include seasoned actors like Susan Roces, Helen Gamboa, Richard Gomez, Rita Avila and Dawn Zulueta, with today’s hot young stars Joem Bascon, Paulo Avelino, and the comely Melissa Ricks of the “Nasaan Ka, Elisa?” fame.

Busy nga pala sa ngayon si Coco in doing “You Light Up My Life” with Angeline Quinto and next year, he’ll be doing an important film with Ms. Judy Ann Santos no less as his leading-lady.

A dream come true indeed for an indie actor whose lone dream was to work abroad so he could provide for his family.

***

Mr. Philippine Republic has gone a long, long way!

WE ARE personally happy for Mr. Nilo Agustin who is such a good man who’s also magnanimity personified.

In so short a time, naging byword kaagad ang kanilang Mr. Philippine Republic North Luzon 2011 lalo na’t naging kontrobersyal pa ang isa nilang contestant na nakasamaan yata ng loob ng isang institusyon na sa entertainmet writing at talent management na si Mother Alfie Lorenzo.

Nevertheless, the show must go on and petty intrigues such as this would never stand in the way of Mr. Philippine Republic’s success.

Here’s one of their male contestants and I leave it up to you guys to decide if he has the right to win the title that will be judged on the 13th of December at the Hiyas Ng Bulacan Convention Center, Malolos city, Bulacan.

***

Wala raw ‘K’ ang ipinalit

HAHAHAHA! Marami ang nagtataka kung bakit pinagpalit daw ng esekolang babaeng ito ang boyfriend niyang tall, fair and handsome na stable pa naman ang trabaho’t pamumuhay sa isang lalakeng wala namang “K’ at maituturing na may pagka-hustler.

“Why him?” demands a visibly disenchanted woman who ostensibly doesn’t approve of the lady’s new mate. “Ang dami namang nagkakagusto sa kanya who are more or less financially stable since ang circle niya’y mga rica-ricang ombreng talaga.”

Well, magaling kasing dumiskarte ang slightly balding ng lalakeng ito na ang siyete’y may career naman daw ang kargada kahit di katangkaran.

Well, is that the reason why this gay icon had fallen for his venomous machismo in the not-so-distant past? Hakhakhak!

Pero kung nakadedenggoy siya sa mga ibang chicks riyan, timbog siya sa isang virginal na singer/actress na na-vibes kaagad ang drama niya kaya di siya naka-score. Hahahahahaha!

‘Yun na!

***

Xian, hindi maiwasang ma-develop kay Kim

‘CERTIFIED hit’ sa ‘JaNdy’ (Jade-Andy) fans nina Kim Chiu at Xian Lim ang kantang “Ako’y Sa ‘Yo Lamang” na sinulat mismo ng binatang aminadong hinahangaan na ang Kapamilya primetime princess na bida sa top-rating teleserye na “My Binondo Girl.”

Ayon kay Xian, nalikha niya ang nasabing kanta dahil sa inspirasyong dulot sa kanya ng kanyang leading lady. Aniya, “Gusto ko’ng ipaalam kay Kim na naa-appreciate ko siya. Sa pamamagitan ng song na ito, mapaparamdam ko sa kanya na mahalaga siya.”

Hindi naman maikakailang masaya si Kim na kasama ang bagong leading man. Kuwento ng dalaga, “Sobrang nakatutuwa si Xian. Maalalahanin siya, mabait, at hopeless romantic. Kaunti lang ang katulad niya ngayon.”

Samantala, painit na ng painit ang mga tagpo sa kanilang soap dahil bukod sa tensyon sa pagitan ng love triangle nina Jade, Andy at Onyx (Jolo Revilla), umiigting na rin ang banggaan ng mga tao sa mga kompanyang ChenJean at ZenChu.

Paano haharapin nina Jean (Cherry Pie Picache), Amethyst (Laureen Uy), at Amber (Maja Salvador) si Jade ngayong alam na nila ang tagumpay na nakamit nito sa negosyo? Anong gagawin ni Jade maligtas lamang ang pagbagsak ng pangalan ni Papa Chen (Richard Yap)?

Lalong nagiging exciting ang soap na ‘to gabi-gabi, pagkatapos ng “Budoy.”

***

Goma matindi pa rin ang paghanga kay Ate Vi

IBA talaga ang arrive ng Queenstar for all Seasons na si Ms. Vilma Santos kahit sa mga kapwa niya artista.

Imagine, the comebacking Kapamilya actor Richard Gomez had nothing but unfading admiration for her after all these years.

Nang tanungin kasi siya ng King of TV Talk na si Kuya Boy Abunda sa late evening program nito sa ABS-CBN ang “Bandila,” kung papano niya ide-describe ang mga female personalities na kanyang babanggitin, ito ang naging spontaneous response ng aktor.

Dawn Zulueta is beautiful, Gretchen Barretto’s elegant and stylish, Sharon Cuneta’s sensitive and Vilma Santos, ‘Yan ang star!

O, di ba? Coming from an outspoken actor who never minces any word in expressing his opinions, that’s indeed too flattering a thing to say.

Iba talaga ang reigning Batangas governor and the undisputed Queenstar for all Seasons. She may not be a young woman of eighteen anymore but her charisma is still as potent as before.

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you Nong.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply