Multicab sumalpok: 3 patay, 4 grabe

TINATAYANG tatlo katao ang namatay habang tatlo ang sugatan at isa ang kritikal makaraang mabangga ang kanilang sinasakyang multicab sa national highway ng Brgy. Cugman sa lungsod kaninang madaling araw, Nobyembre 11.

Kinilala ang dalawa sa tatlong mga nasawi na sina Arnel Cahoy, negosyante, at Onel Akyatan Salvallon, seaman.

Habang kasalukuyang ginagamot ang mga sugatan na sina Justine Seryales, Johnny Macasarte, Jiovanni Licuanan Vertudazo at Arnel Cahoy sa Northern Mindanao Medical Center.

Nanggaling ang multicab sa Brgy. Damilag, Manolo Fortich, Bukidnon na papunta sanang Cagayan de Oro nang sumalpok ito sa nakaparadang trailer truck sa gilid ng daan.

Sinasabing lasing ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Nabatid pa na malakas ang impact ng pagkabangga kung kaya dead on the spot ang tatlo na nakaupo sa front seat.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply